Hilda Koronel Returns on the Movie Scene Via ‘The Mistress!’

One of the veteran actress of the country returns to showbiz via Star Cinema's upcoming heavy drama and controversial film, "The Mistress."



Love-at-first-sight kung ituring ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel ang nangyari nang tanggapin niya ang pinakapinananabikan at kauna-unahang ‘mature’ film nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na “The Mistress,” na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa September 12 (Miyekules). Ang “The Mistress” ay engrandeng pagdiriwang ng Star Cinema ng 10th anniversary ng love team nila John Lloyd at Bea.
“This is the first time after six years that I accepted a movie offer. Yes, I have received a lot of offers over the years in the US but I have turned them all down,” kuwento ni Hilda na matagal nang naninirahan sa California kasama ang kanyang non-showbiz husband. “Sa akin, first priority ko kasi palagi ay ‘yung script. At first draft pa lang ng script ng “The Mistress,” minahal ko na siya.”

Ayon sa beteranang aktres na sumikat sa mga pinagbidahan niyang Lino Brocka classic films na “Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag” at “Insiang,” bukod sa napakatapang na kuwento mula sa Star Cinema ay naging malaking konsiderasyon rin ang direktor at cast ng pelikula kung bakit naging napakamahirap hindian ang “The Mistress.”

“I would not have taken this kung hindi si Direk Olive Lamasan ang magdi-direct,” aniya. “Nakatrabaho ko na siya sa isang teleserye noon at alam ko ang ang kalibre niya. It’s great working with her dahil sigurado akong lalabas nang maganda ang pelikula dahil napakamabusisi niya. She’s always been intense.”

Dagdag ni Hilda, walang maitulak kabigin sa buong proyekto, lalo na at pinagbibidahan ito ng isa sa pinakamatagumpay na love team ng bagong henerasyon na sina John Lloyd at Bea na kapwa nakatrabaho na rin niya. “I’ve already worked with both John Lloyd and Bea before, in different projects, so I know that great actors they are,” pahayag niya. “It’s a perfect project–it’s from Star Cinema, I have direk Olive, and I’m working with John Lloyd, Bea, and Ronald. When you have all these people, you just can’t say no!”

Isa sa mga huling pelikulang nagawa ni Hilda noong 2006 ay ang Star Cinema box-office hit na “Don’t Give Up On Us” na pinagbibidahan ng isa pa sa pinakakinakikiligang love teams ng mga Pinoyng na sina nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.
Sa kuwento, gagampanan ni Hilda ang karakter ni Regina, ang maintindihing misis ni Rico (Ronaldo Valdez) na kalaunan ay mapapaibig sa isang misteryosang babaeng nagngangalang Sari (Bea).

“I love my role in the movie. Regina’s character is deep, intense, and very striking. Galit siya at nasasaktan, syempre dahil niloloko siya,” paliwanag niya. “Paulit-ulit man na siyang niloko ng asawa niya, alam niyang iba ‘yung kay Sari dahil feeling niya na na-in love na si Rico sa mistress niya. Tapos biglang papasok sa love story nila si JD (John Lloyd).”
Dahil sa matapang at makatotohanan nitong istorya, sigurado si Hilda na magiging kontrobersyal ang “The Mistress.”

“I think in a lot of societies not just here, but anywhere, being a mistress is not a norm but I think it’s a bit tolerated. So meron ditong issue,” aniya. “Magiging malaking diskusyon ‘yan lalo na at sa pelikulang ito ay sangkot ay older man and a younger person. It’s really gonna be controversial.”

Kontrobersyal man ang tema, walang duda si Hilda na tatangkilikin ng Pinoy moviegoers ang kanilang obra maestra. “I cannot say that they will accept na tama ‘yung mga relasyon na nangyayari sa pelikula but I’m sure they will understand. They’ll be able to sympathize with the characters in the story–’yung iba papanig sa isa, ‘yung iba naman pabor sa kabila. Sino ka ba–ikaw ba ‘yung nagtaksil na asawa, misis na kinaliwa, lalaking umaasa sa wala, o ikaw ba ‘yung mistress?”

Mapapanood na ang “The Mistress” sa mga sinehan nationwide sa September 12, 2012.

Comments

Popular posts from this blog

Macho Dancing Marco Alcaraz in 'Pitik Bulag'

Indie Film: 'Manong Konstru' Movie Poster