After Portraying Her Father in 'Betty La Fea,' Ronaldo Valdez Now Plays as Bea Alonzo’s ‘Benefactor’ in ‘The Mistress!’
After playing the father of "Betty La Fea" in the TV series, Ronaldo Valdez now portrays the benefactor of Bea Alonzo in the upcoming controversial Star Cinema movie.
Kontrobersyal ang love story na kasasangkutan ng highly-acclaimed actor na si Ronaldo Valdez sa pinakaaabangan at kauna-unahang 'mature' film nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz mula sa Star Cinema, ang "The Mistress," kung saan gaganap siya bilang 'benefactor' ni Bea. Ang "The Mistress ay ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa September 12, 2012.
"Nung mabasa ko 'yung script at malaman ko 'yung role ko bilang si Rico ang mature benefactor ni Sari (Bea), na-excite ako kaya pumayag agad ako, aniya." "Kinilig ako kasi it’s a love story of two people na nagkataon 'yung isa younger at 'yung isa older tapos at nagkataon din na meron nang pamilya si Rico."
Ayon kay Ronaldo, malaking hamon para sa kanya ang "The Mistress," ang engrandeng pagdiriwang ng Star Cinema ng 10th anniversary ng love team nina Bea at John Lloyd Cruz, dahil bagama't kapwa nakatrabaho na niya ang dalawa sa "I Love Betty La Fea," hindi na lamang tipikal na tatay ang role niya sa pelikula, kundi karibal ni John Lloyd sa puso ni Bea.
"Sa 'Betty La Fea' anak ko si Bea dun. Dito, karelasyon ko siya," kuwento ni Ronaldo. "Dahil baka mailang siya I tried my best to be ease with her. Ayokong isipin niya na nagte-take advantage ako. Well its work, but then again syempre kailangan ng preparations lalo na at may love scenes."
Saludo ang beteranong aktor sa professionalism at talino na nakita niya kay Bea habang ginagawa ang kanilang 'napakatapang' na pelikula. "Nagtatanong siya kung papano ang mas magandang atake sa ilang eksena. It’s a partnership so nakakapag-input kami para magmukhang natural ang lahat."
Para kay Ronaldo, makatotohanan ang kuwento ng "The Mistress" na tiyak na susubok sa lalim nang pang-unawa ng lipunan sa isyu ng pagkawasak ng pamilya, pangangaliwa, at pagiging kabit ng ilang kababaihan.
"Nangyayari naman 'yun sa totoong buhay. It just happens. You don’t plan to have a mistress. Hindi mo naman iniisip na hindi ako dapat ma-in love o kailangan ma-in love ako. Sabi nga ng dialogue sa mga Danny Zialcita films, 'hindi natuturuan ang puso," pahayag ni Ronaldo.
Bukod sa kakaibang storyline, dapat abangan daw ng moviegoers ang napakalaking twist sa kuwento. "Ikagugulat ng audience ang napaka-interesting twist sa movie. Mare-realize nila na with great love comes great pain and hope," aniya.
Bukod kina Bea, John Lloyd at Ronaldo, bahagi rin ng "The Mistress" ang multi-awarded actress na si Hilda Koronel na gaganap sa pelikuka bilang si Regina, ang misis ni Rico.
Mapapanood na ang "The Mistress" sa mga sinehan nationwide sa September 12, 2012.
Comments
Post a Comment